Posts

ANYO NG PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO

Image
PISIKAL NA PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO      Pisikal na paglabag ang turing kapag ang nasaktan ay ang pisikal na pangangatawan ng tao. Ang pambubugbog, pagkitil ng buhay, pagputol sa anumang parte ng katawan ay ila sa halimbawa ng pisikal na paglabag. Maging ang sekswal na pananakit tulad ng panghahalay at pagsasamantala ay isang pisikal na paglabag sa karapatang pantao.   SIKOLOHIKAL AT EMOSYONAL NA PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO      Ang pisikal na pananakit ay nagdudulot ng trauma sa isang tao. Ito ang nagiging dahilan kaya nawawalan ng kapayapaan ng loob ang isang tao at bumababa din ang pagtingin niya sa kanyang sarili. Maging ang pagsasalita nang masama sa tao ay isang uri ng sikolohikal na paglabag sa kanyang karapatan sapagkat ito ay nagreresulta sa balisang estado ng isang tao. ISTRUKTURAL      Ang kaayusan ng lipunan batay sa kung sino ang may kapangyarihan, kayamanan at kalagayan sa lipunan ay simula ng hindi pagtatamasa ...