ANYO NG PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO

PISIKAL NA PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO




    Pisikal na paglabag ang turing kapag ang nasaktan ay ang pisikal na pangangatawan ng tao. Ang pambubugbog, pagkitil ng buhay, pagputol sa anumang parte ng katawan ay ila sa halimbawa ng pisikal na paglabag. Maging ang sekswal na pananakit tulad ng panghahalay at pagsasamantala ay isang pisikal na paglabag sa karapatang pantao. 


 SIKOLOHIKAL AT EMOSYONAL NA PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO


    Ang pisikal na pananakit ay nagdudulot ng trauma sa isang tao. Ito ang nagiging dahilan kaya nawawalan ng kapayapaan ng loob ang isang tao at bumababa din ang pagtingin niya sa kanyang sarili. Maging ang pagsasalita nang masama sa tao ay isang uri ng sikolohikal na paglabag sa kanyang karapatan sapagkat ito ay nagreresulta sa balisang estado ng isang tao.


ISTRUKTURAL




    Ang kaayusan ng lipunan batay sa kung sino ang may kapangyarihan, kayamanan at kalagayan sa lipunan ay simula ng hindi pagtatamasa ng karapatan istruktural. Ang istruktural na paglabag ay makikita kung ang tao ay walang kabuhayan, mababa ang kanyang kalagayan sa lipunan at wala siyang kapangyarihan magdesisyon para sa sarili, sa pamilya, sa pamayanan, sa bansa at sa daigdig. Ang mga paglabag sa karapatang pantao ay nangyayari sa tahanan, pamayanan, paaralan, trabaho, bansa, at daigdig. 

    Sa tahanan, madalas na paglabag ay ang pang-aabuso sa mga bata at kababaihan. Ang hindi pagbibigay ng pagkain ng magulang sa bata, hindi pagpapaaral sa mababang paaralan, hindi pagbibigay ng pangalan at damit ay ilan lamang sa mga paglabag sa karapatang pantao ng mga tao. Sa pamayanan, ang paglabag sa karapatang pantao ay makikita kapag ang mga lokal na opisyal ng pamahalaan ay hindi tumupad sa tungkuling panatilihing malinis, maayos at mapayapa ang kapaligiran. Tungkulin din ng lokal na pamahalaan na paratingin ang mga pangunahing serbisyo publiko tulad ng serbisyo sa kalusugan, kuryente, tubig, komunikasyon, edukasyon, at iba pa. Sa paaralan, edukasyon ang pangunahing serbisyong dapat ihatid sa mga mamamayan. Ang pananakit pisikal, sekswal at sikolohikal sa mga mag-aaral ay ay paglabag din sa karapatan ng mga mag-aaral. Sa bansa, pisikal, sikolohikal at istruktural ang karaniwang paglabag sa karapatang pantao. Pisikal at sikolohikal ang paglabag kapag ang mga kinatawan ng pamahalaan tulad ng pulis, militar, pinuno at kagawad ng barangay, o iba pang sangay ng pamahalaan, ay nanakit sa mga tao. Istruktural ang paglabag kapag ang pamahalaan ay walang programa upang umangat ang kabuhayan, panlipunan, at kultural na kalagayan ng mga mamamayan.

    Sa mundo, lahat din ng uri o ng paglabag o bayolasyon ay madarama kapag ang mga kinatawan ng mga bansa ay nakasakit sa mga tao o kaya ay gumawa ng mga kasunduang nakasasama sa tao. Ilan dito ay ang pakikipagdigmaan, paggawa ng mga armas pandigmaan, at pakikipagkalakal na mayayamang bansa lamang ang may pakinabang.

https://www.coursehero.com/file/p2dlpgl/Ibat-iba-ang-anyo-ng-paglabag-sa-karapatang-pantao-tulad-ng-pisikal-sikolohikal/ 

Comments